Asia

Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

  • Pagsibol ng Kabihasnang Mesopotamia
    3500 BCE

    Pagsibol ng Kabihasnang Mesopotamia

    Sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates, umusbong ang kabihasnang Mesopotamia. Ang mga Sumerian ang bumubuo ng mga lungsod tulad ng Ur at Uruk, at lumikha ng cuneifrom, ang unang sistemang pagsusulat. Dito rin nagsimula ang organisadong pamahalaan, batas, at relihiyon.
  • Kabihasnang Indus at sa Timog Asya
    2500 BCE

    Kabihasnang Indus at sa Timog Asya

    Umusbong sa lambak ng Indus ang mga lungsod tulad ng Harapa at Mohenjo-Daro. Kilala ang kabihasnang ito sa mahusay na urban planning, mga tuwid na kalsada, paliguan, at sistema ng tubig. Wala pang lubos na pagkakaunawa sa kanilang pagsusulat ngunit makikita ang kaunlaran sa arkitektura at teknolohiya.
  • Dinastiyang Shang sa Tsina
    1600 BCE

    Dinastiyang Shang sa Tsina

    Ang Shang ang unang dinastiyang may konkretong ebidensyang arkeolohikal. Kilala sila sa mga bronse, palasyo, at oracle bones na ginagamit sa paghula. Ito rin ang simula ng pagsusulat sa Tsina.
  • Panahon ng Vedas sa India
    1500 BCE

    Panahon ng Vedas sa India

    Dumating ang mga Aryan sa India at isinulat ang Vedas, mga banal na kasulutan ng Hinduismo. Nabuo ang caste system at lumaganap ang relihiyon, ritwal, at kulturang Vedic sa Timog Asya.
  • Pag-usbong ng Imperyong Persian
    550 BCE

    Pag-usbong ng Imperyong Persian

    Itinatag ni Cyrus the Great ang Imperyong Persian at pinalawak ito ni Darius I gamit ang satrapy system. Ipinatayo rin niya ang Royal Road, para sa komunikasyon at kalakalan ng imperyo.
  • Pagkakabuo ng Dinastiyang Qin
    221 BCE

    Pagkakabuo ng Dinastiyang Qin

    Pinag-isa ni Qin Shi Huang ang Tsina at ipinatupad ang mahigpit na pamahalaan sa ilalim ng Legalismo. Ipinatayo niya ang unang bahagi ng Great Wall at nagpaggawa ng Terracotta Army bilang libingan.
  • Pagbubukas ng Silk Road
    130 BCE

    Pagbubukas ng Silk Road

    Ang Silk Road ay isang network ng kalakalan na nag-ugnay sa Tsina, Gitnang Asya, at Europa. Dito dumaan ang mga kalakal tulad ng seda at pampalasa, at pati na rin ang ideya, sining, at relihiyon.
  • Pagsilang ng Islam
    610

    Pagsilang ng Islam

    Sa Meca, Saudi Arabia, natanggap ni Propeta Muhammad ang unang pahayag mula kay Allah. Lumaganap ang Islam sa Kanlurang Asya, Hilagang Aprika, at iba pang bahagi ng Asya sa pamamagitan ng pananakop at kalakalan.
  • Imperyong Khmer at Angkor Wat
    802

    Imperyong Khmer at Angkor Wat

    Si Jayavarman II ang nagtatag ng Imperyong Khmer sa kasalukuyang Cambodia. Ang Angkor Wat, isang dambuhalang templo, nagpapakita ng yaman at kapangyarihan ng imperyo at ng pinaghalong Hindu-Budistang relihiyon.
  • Pagsisimula ng Mongol Empire
    1206

    Pagsisimula ng Mongol Empire

    Si Genshin Khan ang naging dakilang pinuno ng Mongol at nilikha ang pinaka malawak na imperyo sa lupa. Sa ilalim ng Pax Mongolica, naging ligtas at mabilis ang kalakalan sa buong Silk Road.
  • Pagdating ng mga Europeo sa Asya
    1511

    Pagdating ng mga Europeo sa Asya

    Nasakop ng mga Portuges ang Malacca, na nagsilbing sentro ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya. Simula ito ng kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya na may malaking epekto sa ekonomiya at kultura ng rehiyon.