-
Matatagpuan ito, kasama ang katutubong paraan ng pagsulat, sa Doctrina Christiana (1593)
-
Nalathala ang kawalan ng paraan sa pagsulat ng wikang pambansa ng pandulong katinig sa isang salita o pantig. Dahil sa limitasyon na ito, napansin na iisa lamang ang pagbabaybay sa mga salitang lili, lilim, lilip, lilis, limlim, atbp
-
Napansin ito ni Antonio de Morga at ikinahanga na lalaki man o babae ay marunong sumulat sa katutubong baybayin ang mga tinatawag nilang "indo". Bihira din ang hindi mahusay gumamit ng kanilang paraan ng pagsulat.
-
Isinagawa ng mga misyonerong Espanyol at ginamit ipinasok ang Romanisadong Alpabeto sa pagbuo ng bokabularyo at pag-aaral sa gramatika. Mga halimbawa ay Arte y reglas de la lengua tagala (1610) ni Fray Francisco de San Jose at Vocabulario de la lengua tagala ni Fray Pedro de San Buenaventura (1613)
-
Higit kalahating siglo palang ang nakalilipas matapos kilalanin ang literasi ng mga Pilipino sa katutubong baybayin, marami na diumano ang mga katutubong naglilingkod bilang klerk at kalihim sa mga palingkurang-bayan at mahusay na sa alpabetong Romano. Napansin ito ni Fray Francisco Colin sa Labor evangelica (1663) at kinilalang ilan sa mga katutubo ay may kakayahan ding maging opisyal.
-
Ang mga matatandang hindi naturuan ng mga misyonero ay patuloy na ginamit ang baybayin, ngunit ang mga kabataan naman ay nagsimulang mawalan ng interes na aralin ito. Mas nais nilang matutuhan ang alpabetong Romano dahil sa nabubuksan nitong pagkakataon para sa hanapbuhay.
-
Sinimulan ito ni Rizal sa Estudios sobre la lengua tagala (1893) na sinundan ni Bonifacio at Jacinto.
-
Alinsunod dito ang paglikha ng Balarila at ng Tagalog-English Vocabulary bilang mga opisyal na lathala ng Surian
-
Isang taon matapos itatag ang National Language Institute o Surian ng Wikang Pambansa ay inirekomenda nito ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
-
Ayon sa Balarila (1940) ni Lope K. Santos, tinanggap ng abakada ang mga sumusunod:
1. 5 patinig (mula sa mga misyonero)
2. 15 katinig (mula sa Tagalog)
3. Pag-alis ng C, Q, Ñ
4. Pagpasok ng K, W, at identidad ng NG -
Ang wikang pambansang batay sa wikang Tagalog ay tinawag na "Pilipino"
-
Inusig ni Kongresista Inocencio V. Ferrer ang mga opisyal na sangkot sa pagpalaganap ng wikang Pilipino na sa umano'y nagpapalaganap lang ng "Puristang Tagalog".
-
Nagpetisyon ang Madyas Pro-Hiligaynon Society, isang pangkating pangwika, para pigilin ang ginagawa ng Surian. Ito man ay pinawalang saysay ng hukuman tulad ng demanda ni Ferrer, senyas na ito ng mga dapat lutasin upang mas tanggapin ng mga mamamayang di-tagalog ang Wikang Pambansa.
-
Itinagubilin ang paggamit ng dalawahang wika sa edukasyon.
- Grade 1 at 2: Bernakular
- Grade 3 at 4: Pilipino
- Highschool at College: Pilipino at Ingles
-
Iniutos na ng Board of National Education ang isang patakaran ng gradwal na paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa elementarya, mula Grade 1 ng taong-aralang 1972-1973 habang pinauunlad taon-taon. Pinagtibay rin sa taong ito ang paggamit ng Pilipinmo sa pagtuturo ng kursong Rizal at Pamahalaan at Kasaysayan ng Filipinas sa unibersidad.
-
Naglalaman ito ng 27,069 pangunahing lahok, at 217,500 lahok na lexikal. 12,000 dito ang hiram sa Espanyol, Ingles, Tsino at wikang Indo-Europeo. Inilista rin ang 47,601 na singkahulugan mulang 12 katutubong wika sa Filipinas; 12,659 homonim na di-singkahulugan; at 11,060 kogneyt at pagkakahawig.
-
-
Kasabay ng pagpalit ng pangalan ng wikang pambansa ang modernisasyong pinagdaraanan nito. Mula 20 ay naging 28 titik na ang alpabeto. Nadagdag sa 20 titik ng abakada ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Ang modernisasyon ng wikang pambansa ay makabuluhang hakbang upang patuloy na makatuturan ang Filipino hanggang sa mga susunod na siglo.